BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Friday, February 4, 2011

Colbie Caillat - I Never Told You

PART 4

Para sa mga lalaking nagmamahal at magmamahal:

1.Kilalanin mo sya araw-araw, pag kasama mo sya at pag may pagkakataon ka.
2.Kung gusto mo sya, sabihin mo. Kung gusto ka din nya, sana wag kayo magmadali. You have forever naman to be together eh. Basta cherish nyo lang yung mga pagkakataon na magkasama kayo.
3.Tanggapin mo kung ano sya, kung anong nakaraan nya, kung anong meron sya, at wag na wag mo hanapin kung anong wala sya. Sa halip, ikaw pumuno ng kulang. Pwede naman yun di ba.
4.Wag mo sya ijudge sa mga pagkakamaling nagawa or magagawa nya. Instead, magtulungan kayo na itama ang mali.
5.Pag may pagkakataon ka, wag na wag mo sasayangin na hindi sabihin kung gaano sya kaimportante sa buhay mo, kung gaano mo sya kamahal, kung gaano mo naaappreciate ang mga bagay na ginagawa nya para sayo.
6.Sana wag mo iparamdam sa taong nagmamahal sayo na hindi mo sya kailangan. Hindi man sinasadya pero sana maiwasan mo yun. Yung point ko lang kapag palagi or paulit ulit. Nagsasawa din kasi and tao.
7.Kung totoong mahal mo sya, pag sinabi nya na mahal ka nya at the least expected moments, try to respond to her if you love her or not. Yun lang naman gusto nya, assurance. Though for guys, nakukulitan sila. Pero balik ka sa #3, di ba nga tanggapin mo kung ano sya. Magtaka ka kung hindi sya nangungulit syo!
8.Wag mo sya ikahiya sa ibang tao. Lalo na sa mga taong ngmamahal sayo, sa mga taong nauna mo'ng nakilala kesa sakanya. I'm sure dahil mahal ka nya, willing sya mahalin ang mga taong yun. Bigyan mo lang sya ng chance. One way din para maparamdam mo na proud ka sakanya. I promise, she'll do the same.
9.Pag may sinasabi ang tao, try mo iweigh muna bago ka magconclude. Consult mo din ang side nya. Pwede naman magtrust di ba. It's up to the person nalang kung niloloko ka nya o hindi.
10.Pag may bagay na gusto sya at hindi mo gusto, ipaliwanag mo lang mabuti. May utak at puso naman sya na kaya umintindi.
11.Although mahirap talaga mag promise, so ganito nalang...wag ka bibitaw ng pangako na sa tingin mo hindi mo kayang panindigan. Sabi ko nga mahirap pero kung hindi mo matutupad ang pangako mo, break it to her gently. Nadadaan naman ang lahat sa maayos na usapan di ba.
12.Never lie. Isang mahalagang bagay to pag nagmamahal tayo. Hindi lahat ng tama nakakabuti, pero kahit masakit man minsan ang tama...Sundin parin sana lage. Just be honest.
13.Always mean what you say or do. She only have your words and action. Yun lang pinanghahawakan nya. Kaya sana lahat yun totoo.
14.Wag ka mag start ng isang bagay kung alam mo na hindi mo kayang panindigan or kung hindi ka sure sa nararamdaman mo. Hindi mo lang niloloko ang sarili mo but again nakakasakit ka lang ng ibang tao.
15.Never give up on her. Try mo parin sana ayusin. Pinili mo sya eh. And as much as posible sana wag nyo saktan ang isa't isa. Love is a gift. Dapat nga maging thankful pa tayo na kaya naten magmahal. Ang ganda kaya ng feeling. :)

Sa lahat ng in a relationship, single, married and anything in between, sana may matutunan kayo sa life realizations ko. I guess this all applies to us, aminin man naten o hindi. Basta LOVE til it hurts no more. HAPPY VALENTINE'S DAY!

PART 3

To love is to let go.

When I feel that a person doesn't love me anymore, I take the initiative to let go of that person. For me it's not giving up, nor making it easy for him to break up with me, but simply giving myself a favor to not dwell on all the hurting and pain caused by him. Ipagpipilitan ko pa ba ang sarili ko kung hindi na sya masaya? Ang hirap sabihing hindi, kasi alam mo sa puso mo na gustong gusto mo pa ayusin pero may magagawa ka pa ba kung ayaw na nya? Kaya ko naman magparaya. At dahil mahal ko sya, iisipin ko kung ano ang tama. Magdudulot man yun ng sakit sa part ko, pero kung dun sya masaya, il let go. It's just a matter of being mature enough to accept if things won't work out. Alam ko parang napaka-imposible ng mga sinasabi ko. But believe me, it can happen. Jan naman si Lord, ask Him to free your heart from pain and the next time you love again, ask Him this time to guard your heart. Tsaka sana matuto ka din sa mga pagkakamali mo. Kasi kung kayo, kayo. Wala naman pwedeng bumago sa naitakda na. Ganun lang talaga ang buhay. People come and go. We just have to be thankful din na dumating sila sa buhay naten. Ang importante yung bagay na matututunan mo sa experience na yun. You need to learn how to face changes sa buhay and embrace new things. Kaya nga may bukas eh, to remind us that what happened in the past stays there. Everyday is another chance, be thankful. Lagi mo isipin naging masaya ka nga sa taong yun eh,for sure mas magiging masaya ka pag dumating na yung taong tinadhana para sayo. Ok lang na umasa ka malay mo isa sa mga nakaraan bumalik, we never know. It might just be "the right love at the wrong time". Someday, you'll figure out that God is holding both your hands to hold each other in the right time. Im not giving false hope or anything like that. Its like building a chance kung sa tingin mo nakikita mo na sya yung maaaring makasama mo in the future. Si God lang nakakaalam. At tulad nga ng sinabi ko, wala naman pwede bumago sa bagay na naitakda na. Life goes on...Love the life you live. You just have to derive destiny from choice. If you have God in you, ang mangyayari yung mga choices mo yun yung tinakda para Nya sayo. You just have to do the right thing, in God's way. Gets mo yung logic ko? Minsan kasi nababago yung interpretation naten between destiny and choice. Base sa experience ko, kahit anong pilit mo gawin ang isang bagay na hindi ginusto ni God para sayo, malabo mo talaga makukuha yun. Yung point ko lang, sana wag mo kalimutan din si God kung magmamahal ka. God is love.

PART 2

Magmahal ka hindi dahil sa tingin mo time mo na, magmahal ka kasi yun talaga ang nararamdaman mo.

When pain comes in, nahihirapan tayo tanggapin yung nangyari. For example break up. Choice mo naman yun eh kung aasa ka or choose to just move on. Not dwell on the past, heartbreaks, memories, pain...Ikaw din. Minsan kasi mali din tayo ng interpretation about love. Akala naten puro happiness nalang. We expect a lot, we selfishly love not knowing nakakasakit na pala tayo. Minsan naman we try focusing on the other person's mistake...Yung hinahanapan naten sila ng bagay na wala sila. Sabi pa ng iba, yung kulang. Ewan ko ba bakit nila hinahanap kung anong kulang. Kung tatanungin nyo ko, never ako nakiusap sa isang tao na mahalin ako or kaawaan ako kasi nasaktan ako. For me kasi kung magmamahal ka nalang din, bakit hindi mo pa totohanin? Bakit hindi mo ipaglaban? Bakit hindi mo hayaan na mag grow yung relationship..kung anong meron kayo. Unless hindi mo talaga mahal yung tao. Wag lang sana paglaruan ang taong nagmamahal. Minsan kasi mali ang nagiging simula. Sa mga nasaktan na noon..Minsan akala mo ready ka na magmahal ulit at nakalimutan mo na ang nakaraan. Tapos may dumating na bago sa buhay mo, bakit mo hinahanap ung nakaraan mo sakanya? Minahal mo ba talaga sya dahil sa nakita mo ung totoong pagkatao nya, o minahal mo lang sya kasi may nakita ka sakanya na katulad nung nakaraan. Tapos pag may hindi ka mahanap sakanya, iiwan mo lang sya? Naisip mo ba mararamdaman nya? Alam nya ba ang eksaktong nakaraan mo? Binigyan mo ba sya ng pagkakataon na higitan pa ung naramdaman mo'ng pagmamahal noon? Ang point ko lang naman, kung magmamahal ka na, siguraduhin mo na buo ka na ulit. Hindi naman kasalanan ng ngmamahal sayo ngayon na nasaktan ka noon eh. Sana make sure na hindi mo man sya mahalin gaya ng pagmamahal na pinakita mo noon, mahalin mo sya sa paraang alam mo at mahalin mo sya kasi nararamdaman mo na mahal mo talaga sya. Mararamdaman mo naman kung sya na talaga eh. Magpakatotoo ka lang!

Thursday, February 3, 2011

PART 1

Nagmahal ka lang naman.

I always believe that people change, feelings fade and hearts grew tired. Sa una, ipapakita nya kung gaano ka nya kamahal. Kung gaano ka kaimportante sa buhay nya. Tapos biglang isang araw may mababago sa pakikitungo nya sayo. Hindi nya kayang iexplain sayo mabuti. Imbes maintindihan mo sya, magagalit ka. Masisisi ka ba nya? Sana kasi na-dare nya sabihin sayo. Kaya mo naman umintindi di ba? Malaki ka na para tanggapin kung ano man ang nararamdaman nya para sayo, nagbago man sya sayo, masakit man o hindi ang magiging desisyon nya. Pero di ba hindi ka na bata para hindi maintindihan yun. Hindi ka din manghuhula para mgpahula sya syo sa totoong nararamdaman nya para sayo. Sasabihin lang naman nya, maging honest lang sya. Napakasimple di ba? Kung may mali syang nagawa, sino ka para hindi sya patawarin? Kung hindi ka na nya mahal, di ba kaya mo naman tanggapin? Oo masakit pero may magagawa ka ba para mabago yun? Bakit kaya napakahirap sa isang tao ang magsabi ng totoo? Given the fact na nung maliliit pa tayo lahat tayo tinuruan ng tama. Bakit kaya habang lumalaki nagiging komplikado para sa isang tao ang pagsasabi ng totoo. Alam ko hindi ako perpekto. Nagkakamali ako, oo at minsan hindi nagsasabi ng totoo. Pero bakit kaya ko magmahal ng totoo, mag commit sa isang tao na kaya ko sya mahalin hanggat nabubuhay ako. Siguro nga iba ako sa ibang tao. Although hindi ko naman gngeneralize, pero malamang sa hindi ganun lage ung mga kinahahantungan lalo na pag mali yung naumpisan at walang lakas ng loob na itama ang mga mali. Either ayaw na ipagpatuloy or hindi sya sigurado sa totoong nararamdaman. Alam ba naten na may hangganan ang pagmamahal sa isang tao? Nilikha kasi tayo na maramdaman ang pagod. Lalo na pag puro sakit nalang, paasa, at pambabaliwala ng nararamdaman. One thing siguro talaga sa kahinaan naten mga tao ang ganito. Kung ganun man, sana maging sigurado and honest tayo sa nararamdaman naten. Mahirap kasi ang makapanakit ng isang tao.