Magmahal ka hindi dahil sa tingin mo time mo na, magmahal ka kasi yun talaga ang nararamdaman mo.
When pain comes in, nahihirapan tayo tanggapin yung nangyari. For example break up. Choice mo naman yun eh kung aasa ka or choose to just move on. Not dwell on the past, heartbreaks, memories, pain...Ikaw din. Minsan kasi mali din tayo ng interpretation about love. Akala naten puro happiness nalang. We expect a lot, we selfishly love not knowing nakakasakit na pala tayo. Minsan naman we try focusing on the other person's mistake...Yung hinahanapan naten sila ng bagay na wala sila. Sabi pa ng iba, yung kulang. Ewan ko ba bakit nila hinahanap kung anong kulang. Kung tatanungin nyo ko, never ako nakiusap sa isang tao na mahalin ako or kaawaan ako kasi nasaktan ako. For me kasi kung magmamahal ka nalang din, bakit hindi mo pa totohanin? Bakit hindi mo ipaglaban? Bakit hindi mo hayaan na mag grow yung relationship..kung anong meron kayo. Unless hindi mo talaga mahal yung tao. Wag lang sana paglaruan ang taong nagmamahal. Minsan kasi mali ang nagiging simula. Sa mga nasaktan na noon..Minsan akala mo ready ka na magmahal ulit at nakalimutan mo na ang nakaraan. Tapos may dumating na bago sa buhay mo, bakit mo hinahanap ung nakaraan mo sakanya? Minahal mo ba talaga sya dahil sa nakita mo ung totoong pagkatao nya, o minahal mo lang sya kasi may nakita ka sakanya na katulad nung nakaraan. Tapos pag may hindi ka mahanap sakanya, iiwan mo lang sya? Naisip mo ba mararamdaman nya? Alam nya ba ang eksaktong nakaraan mo? Binigyan mo ba sya ng pagkakataon na higitan pa ung naramdaman mo'ng pagmamahal noon? Ang point ko lang naman, kung magmamahal ka na, siguraduhin mo na buo ka na ulit. Hindi naman kasalanan ng ngmamahal sayo ngayon na nasaktan ka noon eh. Sana make sure na hindi mo man sya mahalin gaya ng pagmamahal na pinakita mo noon, mahalin mo sya sa paraang alam mo at mahalin mo sya kasi nararamdaman mo na mahal mo talaga sya. Mararamdaman mo naman kung sya na talaga eh. Magpakatotoo ka lang!
How AI is Shaping the Future of Work: What Every Leader Needs to Know
-
AI is changing the way we work, and as a business leader, understanding
how it can help you work smarter is key. From improving productivity to
offering ...
5 weeks ago
0 comments:
Post a Comment